Mga tambay sa Panatag Shoal mas dapat atupagin ni Pangulong Duterte ayon kay Sen. Hontiveros

By Jan Escosio June 19, 2018 - 12:43 PM

Sinabi ni Senator Risa Hontiveros na pinatunayan na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makitid nitong pag-iisip sa utos na arestuhin ang mga tambay.

Dagdag pa ni Hontiveros, matapang lang ang pangulo sa mga mahihirap, walang trabaho at mga istambay pero bahag ang buntot sa China kayat hindi mapaalis ang mga nakatambay sa Panatag Shoal.

Reaksyon ito ng senadora kaugnay sa maling pag-aresto at pagkulong sa isang grupo ng mga magkakaibigan na inakalang mga tambay ngunit naghihintay lang sa labas ng bahay ng isang kaibigan sa Makati City.

Iginiit din nito na bilang abogado dahil alam ni Pangulong Duterte na wala ng batas ukol sa bagansiya na ginagamit sa mga tambay sa kalsada kaya’t ang utos nito na hulihin ang lahat ng mga istambay ay paglabag sa Saligang Batas.

Ayon pa kay Hontiveros may posibilidad na maabuso ang utos ng pangulo at aniya ang tunay na solusyon sa krimen ay maayos na pagta-trabaho ng mga pulis at pagkakaroon ng trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Panatag shoal, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, Rodrigo Duterte, Panatag shoal, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.