Bohol, niyanig ng magnitude 3.7 na lindol
By Donabelle Dominguez-Cargullo June 19, 2018 - 12:29 PM
Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Catigbian sa lalawigan ng Bohol.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang epicenter ng lindol sa 3 kilometers North ng Catigbian.
May lalim na 5 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Bunsod ng nasabing lindol naramdaman ang pagyanig sa iba pang bayan sa Bohol.
Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na intensities:
- Intensity V sa Sagbayan, Bohol
- Intensity IV sa Catigbian, Bohol
- Intensity III sa Carmen, Bohol
- Intensity II sa Tubigon, Bohol
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.