Pinal nang ibinasura ng Korte Suprema ang apela ng napatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na humihiling na mabaligtad ang naunang pasya ng en banc sa quo warranto petition laban sa kaniya.
Sa botong 8-6, pinagtibay ng Mataas na Hukuman ang nauna nitong pasya na pumapabor sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Ayon sa SC, walang merito ang apela ni Sereno.
Dahil dito, pinal na ang pagkakatalsik sa pwesto kay Sereno.
Si Sereno ay ipinagharap ng nasabing reklamo dahil sa kabiguang makasunod at maideklara ng tama ang kaniyang assets, liabilities, and net worth nang siya ay mag-apply bilang punong mahistrado.
MOST READ
LATEST STORIES