5,500 hinuli sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila sa loob ng limang araw dahil sa paglabag sa mga ordinansa

FILE PHOTO

Sa loob lamang ng limang araw, umabot sa 5,500 ang nadampot sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila sa pinaigting na kampanya kontra mga tambay sa kalye.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar, mula July 13 hanggang 18, 5,500 na katao na ang nadampot ng mga pulis sa Metro Manila.

Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghigpit sa mga istambay o pakalat-kalat sa mga lansangan lalo na kapag dis oras ng gabi.

Sinabi ni Eleazar na ang paghuli sa mga pakalat-kalat sa kalsada ay pagpapatupad ng mga pulis sa iba’t ibang ordinansa sa mga lungsod sa NCR.

Kabilang dito ang pagbabawal sa pag-iinuman sa kalsada at paglabas nang walang suot na pang-itaas.

Tiniyak naman ni Eleazar na ang mga hepe ng istasyon ng pulisya ay nakabantay sa kanilang mga tauhan para matiyak na hindi sila aabuso sa mga operasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...