Magkakasunod na pagyanig naitala sa Davao Oriental
Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Davao Oriental.
Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.6 na lindol sa 198 kilometers South sa bayan ng Sarangani alas 4:24 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at 2 kilometers lang ang lalim.
Sinundan naman ito ng ikalawang lindol na 3.1 ang magnitude.
Naitala ang ikalawang pagyanig sa 7 kilometers South ng bayan ng Cateel alas 4:45 ng umaga.
May lalim naman itong 102 kilometers at tectonic din ang dahilan.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershock ang dalawang lindol.
Kaninang ala 1:16 ng madaling araw, nakapagtala din ng magnitude 3.8 na lindol ang Phivolcs sa 381 kilometers South ng Sarangani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.