Extension ng LPA sa bahagi ng Eastern Samar, maghahatid na ng pag-ulan sa Visayas; Luzon apektado pa rin ng Habagat

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 19, 2018 - 06:26 AM

Magpapaulan sa eastern part ng Visayas ang trough o extension ng Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa 655 kilometers east northeast ng Guiuan, Eastern Samar.

Sinabi ni PAGASA senior weather specialist Cris Perez na ang extension ng nasabing LPA ay nagdudulot na ng maulap na papawirin sa Eastern Visayas na makararanas na ng kalat-kalat na pag-ulan.

Maliit naman ang tsansa na maging isang bagyo ang nasabing LPA sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Samantala, ang western section ng Luzon ay apektado pa rin ng Habagat.

Dahil dito, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes at Babuyan Group of Islands ay makararanas din ng maulap na papawirin ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, magiging maganda naman ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.