Pagkuha ng isda ng mga Chinese coast guard sa mga mangingisdang Pinoy, isang barter ayon kay Pangulong Duterte
Para kay Pangulong Rodrigo Duterte, barter ang ginawa ng Chinese coast guard nang kunin ang mga huling isda ng mga Pilipinong magingisda sa Ccarborough Shoal.
Sa talumpati ng pangulo sa anibersaryo ng Department of Foreign Affairs, sinabi nito na ang problema lang kasi ay hindi nagkaintindihan sa valuation.
Hindi aniya outright seizure o direktang pagkuha ng mga isda ang ginawa ng Chinese coast guard sa mga mangingisdang Pinoy. Matatandaang umangal ang mga Pilipinong magingisda sa pagkuha ng Chinese coast guard sa mga nahuli nilang magagandang isda kapalit ang sigarilyo, noodles at tubig.
Bukod dito sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na fish thievery, pangingikil at pangongotong ang ginawa ng Chinse coast guard sa mga Pinoy na mangingisda sa Scarborough shoal pero itinuring naman itong barter o kalakalan ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.