Sister Fox, ipagpapatuloy ang missionary work sa bansa
Nangako si Sister Patricia Fox na kanyang ipagpapatuloy ang kanyang missionary work para sa mga katutubo, mahihirap at mga inaaping magsasaka.
Ilang oras matapos baligtarin ng DOJ ang pagbawi ng Bureau of Immigration sa kanyang missionary visa, sinabi ni Sister Fox na tuloy ang kanyang missionary work dahil ito ang kanyang misyon.
Ayon sa madre, ang missionary work ay mandato at turo ng simbahan. Katwiran pa ni sister fox, wala naman siyang ginagawang mali.
Kaugnay nito, kahit pinagbigyan ng Department of Justice ang kanyang apela ni Sister Fox ang kanyang missionary visa, nahaharap pa rin ang sitentay uno anyos na Australyanong madre na na nasa Pilipinas na ng mahigit 27 na taon sa deportation proceedings.
Matapos ang magadang balita ay dumalo si Sister Fox sa misa sa Quiapo Church at nakiisa ito sa pagkondena sa pagpatay sa mga pari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.