AFP, tiniyak ang seguridad sa Iligan matapos ang bakbakan laban sa teroristang Maute
By: Justinne Punsalang
- 6 years ago
Tiniyak ng 2nd Mechanize Infantry Brigade ng Philippine Army ang kaligtasan ng mga residente ng Iligan City at ng buong lalawigan ng Lanao del Norte matapos ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng remanants ng ISIS-inspired Maute terror group sa Tubaran, Lanao del Sur noong Linggo. Ayon kay Brigade Commander Robert Dauz, nananatiling nakaalerto ang hanay ng militar, katuwang ang Philippine National Police (PNP) upang bantayan ang seguridad sa kanilang mga nasasakupang lugar. Aniya, maigting ang kanilang pagbabantay sa lahat ng entry at exit points upang matiyak na hindi mangyayari sa Iligan ang naganap sa Tubaran. Pinuri naman ni Dauz ang reaksyon ng publiko, partikular ang kanilang pagpapakita ng pakialam sa nangyayari sa bansa, lalo na sa usapin tungkol sa kapayapaan at seguridad. Ani Dauz, dapat manatiling mapagmatiyag ang publiko at agad na ireport sa mga kinauukulan ang anumang kahina-hinalang kilos na makikita sa kanilang lugar upang mapigilang maulit ang nangyari sa Marawi City.