Mga labi ng napaslang na OFW sa Slovakia darating na sa bansa ngayong araw

By Justinne Punsalang June 19, 2018 - 04:20 AM

Inaasahang darating na sa bansa ngayong umaga ang mga labi ng binugbog at nasawing overseas Filipino worker (OFW) sa Slovakia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sakay ng Slovak Airbus A319 ang mga labi ni Henry John Acorda at lalapag ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mamayang alas-9 ng umaga.

Sakay rin ng naturang eroplano ang Philippine Ambassador to Vienna na si Ma. Cleofe Natividad, naiwang pamilya ni Acorda, at isang representative mula sa Slovak Ministry of Interior.

Sasalubungin nina DFA Secretary Alan Peter Cayetano at ilan pang mga opisyal ng Office of Migrant Workers Affairs ang mga labi ng Pinoy financial analyst paglapag nito sa NAIA.

Ang pag-uwi ng mga labi ni Acorda ay mahigit isang linggo matapos dumalo sa isang tribute para sa naturang OFW ang libu-libong mga Slovaks.

Matatandaang nasawi si Acorda ilang araw matapos bugbugin ng isang Slovak dahil sa kanyang pagprotekta sa kapwa Pilipino na hina-harass ng suspek.

TAGS: DFA, Henry John Acorda, Slovakia, DFA, Henry John Acorda, Slovakia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.