Maris Racal pumalag sa mga alegasyong liberated kumpara sa ibang kasabayang artista

By Justinne Punsalang June 19, 2018 - 03:37 AM

Maris Racal’s Instragram

Sinagot ni Maris Racal ang pambabatikos sa kanya ng isang basher online dahil sa pagiging liberated. Ayon sa isang netizen, kung ikukumpara si Maris sa mga kasabayang aktres katulad nila Janella Salvador at Loise ay masasabing liberated ito, lalo na sa kanyang pananamit. Tinawag pang wild ng naturang netizen si Maris. Sa serye ng Twitter posts ng aktres, ay sinabi nito na hindi dapat ikumpara ang kahit na sino sa ibang tao dahil mayroong pagkakaiba ang bawat isang indibidwal. Aniya pa, hindi dapat gawing isyu ang pagsusuot niya ng sexy na gown para sa Mega Millennial Ball kamakailan. Paliwanag ni Maris, wala namang koneksyon ang pagsusuot ng damit sa personalidad ng isang tao. Hindi naman nagkomento si Maris tungkol sa pagsisi ng isang netizen kay Bela Padilla kaya siya naging liberated. Nauna nang nagpahayag si Bela tungkol dito, at sinabing hindi sila madalas magkita ng young actress.

TAGS: Maris Racal, Maris Racal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.