Pilipinas, lumagda sa kasunduang mangagalaga sa mga kagubatan sa Asya

Lumagda ang gobyerno ng Pilipinas sa isang framework regional agreement na layong palakasin ang kooperasyon sa pangangalaga ng mga kagubatan sa Asya.

Umaasa si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na siyang lumagda sa Asian Forest Cooperation Organization (AFoCO) agreement bilang kinatawan ng bansa na magdudulot ng benipisyo ito sa lahat ng mga bansang nakiisa sa naturang kasunduan.

Ang AFoCO ay isang ntergovernmental organization sa Asya na layong palakasin ang regional forest cooperation sa paggamit ng mga teknolohiya at mga polisya sa mga aksyong may kinalaman sa pagkakaroon ng sustainable forest management.

Ang naturang aksyon ay para mabigyang atensiyon ang epekto ng climate change. Bukod sa Pilipinas ay signatories din ang mga bansang South Korea, Timor-Leste, Indonesia, Bhutan, Vietnam, Cambodia, Brunei Darussalam, Myanmar, Mongolia at Laos.

Read more...