SC, magkakaroon ng oral arguments kaugnay ng same-sex marriage

By Rod Lagusad June 19, 2018 - 04:13 AM

Magsasagawa ang Supreme Court ng oral arguments kaugnay ng petisyon na humihiling sa pagpapatupad ng same-sex marriage sa bansa.

Sa petisyon ni Jesus Nicardo M. Falcis III, hinihiling nito na ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang Articles 1 at 2 ng Executive Order (EO) No. 209 o ang Family Code of the Philippines na nagsasabing ang kasal ay sa pagitan ng isang lalaki at babae lamang.

Aniya nilalabag nito ang karapatan ng mga homosexual na magkaroon ng sariling pamilya na prinoprotektahan sa ilalim ng Section 3 (1) ng 1987 Constitution.

Kasama din sa inihain na ipawalang bisa ni Falcis ang Articles 46 (4) at 55 (6) ng Family Code na kung saan nakasaad na ang homosexuality ay grounds para sa annulment at legal separation.

Nakasaad din sa petisyon ang pag-utos ng SC sa Civil Registrar-General sa pagpapatupad ng mga kinekwestiyong probisyon laban sa mga homosexual couples na nagpoproseso ng kanilang mga aplikasyon sa pagkakaroon ng marriage license.

TAGS: same sex marriage, Supreme Court, same sex marriage, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.