Obispo, hinimok ang publiko na ipagdasal ang mga masasamang espiritu sa Malakanyang
Panalangin lamang ang makakapagpaalis sa mga masasamang espiritu na nasa Malakanyang.
Ito ang naging mensahe ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa kanyang homilya sa misa sa Quiapo Church kahapon, araw ng Lunes.
Kasabay ng kanyang naging pahayag ay kinastigo rin ng pari ang mga kaso ng pamamaslang sa mga pari, ang kagustuhan ng marami na ibalik ang parusang kamatayan, pagdedeklara ng martial law sa rehiyon ng Mindanao, pagpapaalis kay Ma. Lourdes Sereno bilang punong mahistrado, ang kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal droga na nagreresulta sa kamatayan ng mga drug suspek, maging ang pagkakalibing ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ngunit sa panayam matapos ang misa ay nilinaw ni Bishop Pabillo na hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang tinatawag na masamang espiritu. Paliwanag ng obispo, mga masasamang espritu sa kabuuan ang kanyang pinatutungkulan.
At nais niya ang tulong ng publiko upang maiwaksi ang mga ito sa pamamagitan ng pagdarasal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.