Mahigit P2M halaga ng shabu at mga baril narekober sa buy bust operation sa Quezon City
Arestado ang apat katao, kabilang ang dalawang menor de edad sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa panulukan ng Katipunan at Pansol Avenue sa Quezon City.
Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Jayson Lagumbay, Jorge Golfo, at dalawang binatang wala pa sa hustong edad.
Isinagawa ang naturang buy bust operation sa pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Quezon City Police District (QCPD), QCPD Station 5, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quezon City.
Narekober mula sa mga suspek ang 3 malalaking plastic na naglalamang ng hinihinalang shabu, na tinatayang mayroong bigat na 300 gramo at nagkakahalaga ng P2.04 milyon.
Ayon kay NCRPO chief, Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, napag-alaman nilang ginagamit bilang drug courier ang dalawang menor de edad.
Ani Eleazar, naaresto na si Lagumbay noong 2016 sa Mandaluyon City dahil pa rin sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa katunayan aniya, meyroon pang pending na trial ang naturang suspek.
Samantala, si Golfo naman ay itinuturing na suspek sa usang shooting incident noong December 2017, kung saan nasawi ang dalawang babae, habang sugatan namang ang ilan nilang kasamahan.
Naharap si Golfo sa kasong homicide. Ang isa naman sa mga menor de edad ay responsable sa pamamaslang sa isang Jeomel Estrella na naganap lamang noong Mayo ngayong taon sa Caloocan City.
Bukod pa ito sa kanyang pagkakasangkol sa iba pang gawain na may kinalaman sa iligal na droga at talamak na pagnanakaw. Narekober din sa mga suspek ang dalawang kalibre 45 baril at isang kalibre 32 na pistola.
Mahaharap ang mga suspek sa patung-patong na kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.