Drug suspek patay matapos manlaban sa mga pulis sa Rizal

Dead on the spot ang isang drug suspek matapos pumalag sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation sa Barangay San Juan sa Taytay, Rizal.

Kinilala lamang ang nasawing suspek sa alyas na Pusa na sinasabing lider ng tinatawag na ‘Highway Group.’

Katatapos lamang ng transaksyon sa pagitan ni alyas Pusa at isang pulis na nagpapanggap bilang poseur buyer nang akmang aarestuhin na ang suspek ay bigla itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga otoridad.

Dahilan ito upang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ni alyas Pusa.

Narekober mula dito ang 11 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at mayroon timbang na 50 gramo o katumbas ng halos P680,000, isang kalibre 38 baril, at mga drug paraphernalia.

Read more...