Pambato ng Pilipinas para sa men’s basketball ng Asian Games, kumpleto na
Halos puro miyembro ng TNT KaTropa ang bubuo sa koponan ng Pilipinas na sasabak sa men’s basketball tournament ng Asian Games.
Pangungunahan ng team Pilipinas nina Jayson Castro, Terrence Romeo, at Andray Blatche na pare-parehong mula sa KaTropa.
Makakasama rin nila sina Roger Pogoy, Troy Rosario, Kelly Williams, Jericho Cruz, Anthony Semerad, at Don Trollano na mga miyembro rin ng TNT.
Samantala, kumuha rin ang team Pilipinas ng mga miyembro ng Gilas Pilipinas cadets kagaya nina Kobe PAras, Ricci Rivero, at Abu Trattter.
Paliwanag ng head coach ng Gilas na si Chot Reyes, kinuha ang tatlong miyembro ng Cadets para makapagtraining ng mga kabataang manlalaro at magiging pambato ng bansa sa iba pang mga torneo sa hinaharap.
Magsisimula ang Asian Games sa August 18 na magaganap sa bansang Indonesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.