Parallel investigation ng NBI sa Nilo case welcome sa PNP

June 18, 2018 - 05:08 PM

Radyo Inquirer

Walang nakikitang problema si Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa gagawing parallel investigation ng National Bureau of Investigation sa kaso ng mga pinatay na pari sa bansa.

Ipinaliwanag ni Albayalde na magiging maayos ang paglutas sa isang kaso kung magtutulungan dito ang NBI at PNP.

Nauna dito ay sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na papasok na rin ang NBI sa imbestigasyon sa kaso ni Father Richmond Nilo na pinatay sa loob ng simbahan sa Zaragosa, Nueva Ecija noong nakalipas na linggo.

Pero nilinaw ni Guevarra na mananatiling lead investigating body sa kaso ang PNP.

Kasabay nito ay nanindigan si Albayalde na hindi fall guy ang kanilang naarestong suspek na si Adel Roll Milan dahil itinuro ito ng altar boy na siyang bumaril sa biktima.

Nilinaw rin ng PNP officials na walang nagaganap na pagalingan kundi ay tulungan sa hanay ng mga tauhan ng NBI at PNP.

TAGS: albayalde, Menardo Guevarra, milan, NBI, nueva ecija, PNP, albayalde, Menardo Guevarra, milan, NBI, nueva ecija, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.