Hindi lahat ng barangay officials ay bibigyan ng armas ayon sa Malacañang

By Chona Yu June 18, 2018 - 04:03 PM

Inquirer file photo

Nilinaw ng Malacañang na susuriin muna ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang background ng mga barangay officials na bibigyan ng armas ni Pangulong Rodrigo Duterte para tumulong sa paglaban sa kriminalidad at ilegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi kasama sa mga mabibigyan ng armas ang mga barangay officials na mayroong bad record.

Kailangan umanong masiguro muna na hindi kasama sa narcolist ang mga barangay officials na bibigyan ng armas para hindi na maging mas makapangyarihan sa kanilang teritoryo ang mga ito.

Ayon kay Roque, may discretion ang PNP na suriin kung sino ang bibigyan ng gun license at permit to carry firearms.

Giit ni Roque, hindi pa naman pinal ang desisyon ng pangulo at kanya pa itong pinag-aaralan.

Matatandaang sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mga bagong halal na barangay officials sa Clark, Pampanga noong June 12, sinabi nito na balak niyang armasan ang mga baragay officials para makatulong sa paglaban sa kriminalidad at ilegal na droga.

TAGS: barangay officials, duterte, gun, narcolist, Roque, barangay officials, duterte, gun, narcolist, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.