Panukala para sa reparation sa mga apektado ng Marawi siege inihain ni Rep. Adiong sa Kamara

By Erwin Aguilon June 18, 2018 - 01:47 PM

INQUIRER FILE

Isinusulong sa Kamara ni Lanao del Sur 1st District Rep. Ansarrudin “Hooky” Adiong na magkaroon ng reparation pay sa mga naapektuhan ng giyera sa Marawi City.

Base sa House Bill No. 7711, nais din Adiong na mabigyan ng kabayaran ang mga nasa Most Affected Area ng digmaan at ang mga nasa Greater Marawi Area.

Sa ilalim ng panukala, maglalaan ang pamahalaan ng P20 bilyon na gagamiting trust fund na pagkukuhan ng perang pambayad sa mga apektado ng limang buwang giyera.

Lilikha rin dito ng Board of Marawi Siege Compensation na pamumunuan ng pinuno Housing and Urban Development Council o HUDCC katuwang ang iba pang ahensya ng national at local government ng Marawi City at Lanao del Sur.

Ang nasabing board mag-aaral, tatanggap ng aplikasyon at magbibigay ng kabayaran sa mga benepisyaryo.

Paliwanag ni Adiong, ang nasabing panukala ay magbibigay ng tulong sa kanyang mga kababayan na hanggang ngayon ay nahaharap sa krisis matapos lumikas sa kanilang mga bahay at negosyo kasunod ng giyera.

TAGS: evacuees, Marawi City, Marawi sige, reparation pay, evacuees, Marawi City, Marawi sige, reparation pay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.