Bangkay na may karatulang “WAG AKO TULARAN PUSHER AKO,” natagpuan sa Cavite

Nadiskubre ang bangkay ng isang lalaking may karatula sa isang subdivision sa Trece Martires City, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Ronnel Rosaldo.

Ayon sa pulisya, natagpuan sa gilid ng isang nipa hut sa Sunshine Ville sa Barangay Cabuco ang mga labi ni Rosaldo kaninang alas-6:30 ng umaga.

Walang damit pang-itaas ang biktima at may nakapatong sa kanyang cardboard na may nakasulat na “WAG AKO TULARAN PUSHER AKO.”

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay nito.

 

Read more...