2 patay sa magnitude 5.3 na lindol sa Osaka, Japan

ASSOCIATED PRESS

Dalawa katao na ang napaulat na nasawi sa magnitude 5.3 na lindol na tumama sa Osaka, Japan.

Ayon sa pulisya, isang siyam na taong gukang na babae ang namatay sa lungsod ng Takatsuki na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Osaka.

Ayon sa mga ulat, na-trap ang bata sa bumagsak na pader sa kanyang paaralan.

Isa ring 80 taong gulang na lalaki ang napaulat na namatay rin sa bumigay na pader.

Yumanig ang magnitude 5.3 na lindol sa Osaka kaninang 7:58 ng umaga. /

 

Read more...