Norway, tatanggalin nang third party facilitator sa peace talks ng gobyerno ng Pilipinas at NDFP

June 18, 2018 - 12:32 PM

MALACAÑANG PHOTO

Wala nang nakikitang rason si Pangulong Rodrigo Duterte na gawin sa Norway ang pag-uusap sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDFP).

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, sa halip na Norway, nais ng Pangulo na gawin na lamang sa Pilipinas ang peace talks.

Agad namang nilinaw ni Roque na welcome pa rin ang ibang partido na tumulong para tuluyang maselyuhan ang peace talks.

Katwiran aniya ng pangulo, pare-pareho namang mga Filipino ang mga kinatawan ng gobyerno at CPP-NPA-NDFP kaya marapat lamang na sa Pilipinas gawin ang negosasyon.

Bukod dito, sinabi ni Roque na malaiang halaga ng pera ang magagastos lamang ng gobyerno kung gagawin sa Norway ang pag-uusap.

Mas makabubuti aniyang ipang tulong na lamang ang naturang halaga sa mga rebelde na patuloy na nakikibaka sa gobyerno.
Sa halip na June 28, sa buwan ng July gusto ng Pangulo gawin ang pag-uusap.

Nasa Oslo, Norway ngayon si Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jess Dureza para ipaalam sa Norwegian government ang development sa resumption ng peace talks. / Chona Yu

Excerpt: Nais ng Pangulo na gawin na lamang sa Pilipinas ang peace talks.

TAGS: CPP, Malacañang, ndfp, Norway, NPA, peace talks, CPP, Malacañang, ndfp, Norway, NPA, peace talks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.