Ayon kay Brosas, ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na shoot-to-kill sa mga miyembro ng grupong Kadamay ay paraan ng pag-iwas na sagutin ang isyu ng kawalan ng bahay at housing backlog sa bansa.
Sinabi nito na mayroong National Housing Authority na siyang dapat na sumagot at magbigay solusyon sa problema sa pabahay pero hinahayaan lamang naman na mabulok ang mga housing units na naitayo.
Paliwanag nito, pera ng taumbayan ang ginagamit sa paggawa ng mga pabahay pero hindi naman ginagasta ng tama.
Bukod pa sa matapos maipagawa ang mga pabahay ay iiwan na lamang na nakatiwangwang.
MOST READ
LATEST STORIES