Pamahalaan walang plano na tugunan ang housing backlog ayon kay Gabriela Rep. Brosas

By Erwin Aguilon June 18, 2018 - 11:34 AM

Kumbinsido si Gabriela Rep. Arlene Brosas na walang plano ang pamahalaan na tugunan ang problema sa housing backlog ng bansa.

Ayon kay Brosas, ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na shoot-to-kill sa mga miyembro ng grupong Kadamay ay paraan ng pag-iwas na sagutin ang isyu ng kawalan ng bahay at housing backlog sa bansa.

Sinabi nito na mayroong National Housing Authority na siyang dapat na sumagot at magbigay solusyon sa problema sa pabahay pero hinahayaan lamang naman na mabulok ang mga housing units na naitayo.

Paliwanag nito, pera ng taumbayan ang ginagamit sa paggawa ng mga pabahay pero hindi naman ginagasta ng tama.

Bukod pa sa matapos maipagawa ang mga pabahay ay iiwan na lamang na nakatiwangwang.

 

TAGS: government housing, NHA, Pabahay, government housing, NHA, Pabahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.