Pamunuan ng MIAA, aminadong may mga pasahero pa ring nahuhuling nagdadala ng bala

By Rohanisa Abbas June 18, 2018 - 11:22 AM

INQUIRER FILE

Aminado ang pamunuan ng Manila International Airport na patuloy pa rin silang may nahuhuling mga pasahero na may bitbit na bala.

Ipinahayag ito ni MIAA General Manager Ed Monreal sa gitna ng isa na namang viral post ng umano’y insidente ng laglag-bala.

Ayon kay Monreal, ginagamit pa rin kasi ng ilan ang bala bilang anting-anting.

Mayroon din naman aniyang insdente kung saan nanghihiram ng bag o maleta ang pasahero at sinasadya na makapagdala ng bala.

Ayon kay Monreal, sa mga pagkakataon na nakikitaan ng bala ang bagahe ng pasahero, idinodokumento na lamang ito ng mga otoridad, at kinukumpiska ito. Pinapayagan din na makalipad ang mga pasahero.

Nagpaalala naman si Monreal sa mga ipinagbabawla bitbitin ng mga pasahero sa paliparan.

 

TAGS: bala, laglag bala, MIAA, NAIA, bala, laglag bala, MIAA, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.