AFP nagkakasa ng mas malawak na opensiba vs. NPA kasunod ng pagpapaliban sa peace talks – CPP
Inakusahan ng Communist Party of the Philippines na may itinatagong layunin si Pangulong Rodrigo Duterte sa muling pagpapaliban sa usapang pangkapayapaan.
Ipinahayag ng CPP binibigyang-daan ng pagkaunsyami ng negosasyon ang opensiba ng Armed Forces of the Philippines laban sa komunistang grupo.
Sinabi ng CPP na ikinakasa umano ng militar ang mas malalaking opensiba laban sa komunsitang grupo sa ilalim ng “Oplan Kapayapaan.” Target umano nito na durugin ang New People’s Army at himukin ito ng National Democratic Front of the Philippines na sumuko.
Iginiit ng CPP na minamadali na ng AFP ang all-out offensive sa laban sa NPA, lalo na’t nagpaparami ang tropa ang militar.
Pinabulaanan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang akusasyon. Aniya, kinakailangan pang mabusising mapag-aralan ng militar ang stand-down agreement sa komunistang grupo.
Una nang sinabi ni Duterte na ipinagpaliban ng gobyerno ang negosasyon sa NDFP dahil kailangan niya pa ng mas maraming oras at konsultasyon kaugnay nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.