MIAA GM Ed Monreal, binigyan ng 24 oras para resolbahin ang bagong kaso ng tanim bala sa airport
Pinagsususmite ni Pangulong Rodrigo Duterte si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ng komprehensibong ulat sa panibagong kaso ng tanim bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, bukod kay Monreal, pinagko-comply rin ng pangulo si Office for transportation security undersecretary Art Evangelista.
Paalala ni Go, seryoso ang pangulo na ipakain ang bala sa mga tiwaling opisyal ng NAIA.
Pinasasalamatan din aniya ng pamahalaan ang publiko sa pagiging vigilant at maagap kontra sa tanim-bala scheme sa paliparan.
Giit ni Go, maganda na maging mapagmatyag ang publiko para maiwasan na ang anomalya sa tanim bala na malinaw na modus ng pangingikil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.