Aabot sa apat na raang katao ang sumailalim sa simultaneous anti-criminality law enforcement operation (SACLEO) na ginawa ng mga tauhan ng Eastern Police District sa mga nasasakupan nitong lugar sa Pasig, San Juan, Mandaluyong at Marikina.
Ang mga hinuli ay pawang inimbitahan sa mga presinto matapos na maaktuhan lumalabag sa mga iba’t ibang ordinansa.
Kabilang sa mga nilabag nila anti-smoking, half-naked, drinking in public, traffic violations, may pending warrant, at paglabag sa RA 9165 at PD 1602.
Sa Pasig aabot sa 189 ang hinuli, sa Mandaluyong ay 64 habang sa Marikina ay 127 at 20 sa San Juan.
Karamihan sa mga hinuli ay pinauwi rin kalaunan pero ang mga mayroong warrant, mga nahulihan ng patalim at shabu ay nanatili sa mga presinto para maisailaim sa inquest at masampahan ng kaso.