(Updated) Sampung flights sa terminal 2, 3 at 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kanselado ngayong araw.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kanselado ang mga biyahe ng PAL Express, Cebu Pacific at Skyjet dahil sa sama ng panahon.
Narito ang listahan ng mga kanseladong biyahe:
Naia Terminal 2
Philippine Airlines Express
2P- 2196 Manila-Laoag
2P- 2197 Laoag- Manila
2P- 2198 Manila-Laoag
2P- 2199 Laoag-Manila
Naia Terminal 3
Cebu Pacific
5J-196 Manila-Cauayan
5J-197 Cauayan-Manila
5J-504 Manila-Tuguegarao
5J-505 Tuguegarao-Manila
Naia Terminal 4
Skyjet
M8- 816 Manila-Basco
M8- 815 Basco-Manila
Ang mga apektadong pasahero ay maaring mag-rebook ng kanilang flights.
Samantala, umabot na sa 7,497 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.
Apektado ang mga pasahero mula sa National Capital Region, Central Visayas, Southern Tagalog, Northeatern Luzon at Western Visayas dahil sa bagyong Lando.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard, pinakamaraming bilang mga stranded Central Visayas na aabot sa 3,107 na pasahero, 41 barko, 7 motorbanca at 35 rolling cargoes; sumunod ang NCR na mayroong 1,544 na stranded passengers, 2 barko, 2 motorbanca, at 6 na rolling cargoes.