3 ang patay sa magkahiwalay na operasyon sa Muntinlupa

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 18, 2018 - 06:35 AM

SPD Photo

Sa Muntinlupa City, patay ang tatlong lalaki sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod.

Sa Barangay Bayanan, Muntinlupa City, patay ang hinihinalang tulak ng droga makaraang manlaban umano sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad.

Ayon sa mga pulis, sa halip na sumuko ay nanlaban ang suspek sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon.

Samantala, sa Barangay Alabang naman, dalawang lalaki ang nasawi makaraang hindi huminto nang parahin ng mga tauhan ng PCP-2 na nagsasagawa ng Oplan Sita.

Pinara ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa bahagi ng Ylaya kanto ng Carzo Dtreets alas 2:45 ng madaling araw ng Lunes, June 18.

Pero sa halip na huminto ay dire-diretso ang motorsiklo at nagpaputok pa ang angkas na suspek sa mga otoridad.

Doon na nagkahabulan at nang masukol ang dalawa ay nauwi na sa shootout ang operasyon.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang isang 9mm pistol at isang sumpak.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust, Muntinlupa, oplan sita, riding in tandem, SPD, buy bust, Muntinlupa, oplan sita, riding in tandem, SPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.