Tatlong pulis naaktuhang natutulog ni NCRPO Chief Eleazar

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 18, 2018 - 06:28 AM

Muling nag-ikot sa nakalipas na magdamag sa mga istasyon ng pulis sa Metro Manila si National Capital Region Police Office Chief Guillermo Eleazar.

Sa pag-iikot ni Eleazar, tatlong pulis ang nadatnan niyang natutulog sa mga binabantayang istasyon ng pulisya.

Kabiland dito ang desk officer sa PCP-2 ng Novaliches Police Station.

Sarado ang PCP nang dumating si Eleazar pero dahil glass door o gawa sa salamin ang pintuan, kita sa labas na nakasubsob sa lamesa ang desk officer.

Nang madinig ang katok nagmamadaling tumayo ang pulis at binuksan ang pintuan.

Maliban sa tatlong pulis na naaktuhang tulog, may mga nadatnan din si Eleazar na mga pulis na hindi naka-uniporme kahit naka-duty.

Tiniyak ng NCRPO chief na mapapatawan ng karampatang parusa ang mga lumabag na pulis.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Guillermo Eleazar, Metro Manila, NCRPO, Radyo Inquirer, Guillermo Eleazar, Metro Manila, NCRPO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.