Dalawang LPA binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa
Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Shelly Ignacio, ang isang LPA ay huling namataan sa 675 kilometers West ng Basco Batanes.
Habang ang isa pang LPA ay huling namataan sa Silangan ng Mindanao.
Samantala, apektado pa rin ng Habagat ang Kanlurang bahagi ng Luzon.
Dahil sa Habagat, makararanas pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan ang mga rehiyon ng Ilocos, CAR, at mga lalawigan ng Zambales, Bataan,
Batanes at Babuyan Group of Island.
Mas magiging maaliwalas naman na ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.