Smartmatic dapat nang palitan – NAMFREL

Naniniwala si National Movement for Free Elections (NAMFREL) Chairman Gus Lagman na dapat nang palitan ng Commission on Elections (COMELEC) ang Smartmatic bilang technology provider.

Ayon kay Lagman, kulang sa ‘transparency’ ang vote counting machines (VCMs) ng Smartmatic kaya dapat nang humanap ang COMELEC ng bagong provider para sa 2019 polls.

Iginiit pa ni Lagman na pinaghihinalaang nagamit ang mga naturang makina sa pandaraya sa mga nakaraang eleksyon na isang problema anya kapag ang sistema ay hindi ‘transparent’.

Ito ang reaksyon ng opisyal matapos ang ulat na itutulak ng House minority block ang hindi pagbibigay ng 2019 budget sa COMELEC sakaling hindi palitan ang Smartmatic dahil sa mga umano’y iregularidad na nagawa nito sa nakalipas.

Samantala, iminungkahi ni Lagman ang ‘hybrid’ voting system sa COMELEC.

Sa ilalim ng naturang sistema, ang pagboto at bilangan ay manu-manong isasagawa sa mga polling precints habang ang transmission at canvassing ng resulta ng eleksyon ay ‘automated’ na gagawin.

Read more...