NBI handang imbestigahan ang pagpatay sa mga pari – DOJ

Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang kahandaan ng National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa sunud-sunod na insidente ng pagpatay sa mga Katolikong pari.

Gayunman, ayon sa kalihim ay hahayaan niyang gawin muna ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang trabaho.

Sakaling kailanganin ng sitwasyon ay saka niya papapasukin ang NBI sa imbestigasyon.

Ang pagpasok ng NBI ay nakadepende umano sa kahihinatnan ng imbestigasyon ng mga pulis.

Ngayon ang ika-siyam na araw ng pagpaslang kay Fr. Richmond Nilo na ikatlong pari nang pinatay sa ilalim ng administrasyong Duterte mula noong nakaraang taon.

Habang isang resolusyon din ang inihain ni Sen. Riza Hontiveros sa Senate Committee on Public Order na imbestigahan ang mga naturang insidente ng pag-atake sa mga pari.

Read more...