DFA ipinagdiriwang ang kanilang ika-120 anibersaryo ngayong araw

By Rhommel Balasbas June 18, 2018 - 04:52 AM

Ipinagdiriwang ngayong araw ng Department of Foreign Affairs ang kanilang ika-120 anibersaryo ng pagkakatatag ngayong araw.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang panauhing pandangal sa selebrasyon.

Igagawad ng pangulo sa pagdiriwang ang tatlo sa pinakamataas na karangalang ibinibigay ng bansa sa anim na opisyal na nagpamalas ng kanilang dedikasyon at katangi-tanging serbisyo sa kagawaran.

Ang Order of Sikatuna, Order of Lakan Dula at Gawad Mabini ang mga parangal na igagawad ni Duterte sa piling mga opisyal.

Samantala, ibibigay din ang Felipe Agoncillo Lifetime Service Award sa apat na magreretirong diplomats at opisyal ng DFA.

Isang photo exhibit din ang ilulunsad na nagpapakita sa mga nakamit ng administrasyong Duterte sa pagsusulong ng independent foreign policy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.