Mga labi ng nasawing OFW sa Slovakia iuuwi na ng bansa bukas

By Rhommel Balasbas June 18, 2018 - 02:08 AM

Nakatakda nang iuwi sa bansa ang mga labi ni Henry John Acorda, ang financial analyst na Pinoy na walang habas na binugbog sa Slovakia.

Ito ang inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) Linggo ng gabi at sinabing inaasahang darating ang labi ng Pinoy worker alas-11 ng umaga ng Martes.

Si Acorda, 36 anyos, ay nasawi sa pambubugbog ng suspek na nakilalang si Hiraj Hossu.

Ipinagtanggol lamang ni Acorda ang isang kasamahang Pinay na hinaharass ni Hossu na naging mitsa ng pag-atake sa kanya ng suspek.

Ang insidente ay nagdulot ng malawakang protesta sa Slovakia para bigyang hustisya si Acorda.

Maging ang Prime Minister ng bansa na si Peter Pelligrini ay isa sa mga nagpahayag ng pagkondena at tiniyak nito ang katarungan.

Si Ambassador to Vienna Ma. Cleofe Natividad ang mag-uuwi ng mga labi kasama ang nanay at dalawang kapatid ni Acorda.

Samantala, patuloy na nakapiit sa kulungan ang suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.