Diocese of Baguio at Diocese of Legazpi makikiisa sa ‘Day of Reparation’

By Rhommel Balasbas June 18, 2018 - 02:59 AM

Makikiisa ang lahat ng mga simbahang Katoliko sa Albay at Baguio sa ‘Day of Reparation’ na inilunsad ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan para sa araw na ito.

Sa isang pahayag, ipinaabot ni Baguio Bishop Victor Bendico ang pakikiramay sa pagkamatay ni Fr. Richmond Nilo at sinabing ipagpapatuloy ang panalangin para sa hustisya kay Nilo at sa iba pang napaslang na pari.

Anya pa, nawa’y hindi mangibabaw ang takot sa puso ng bawat isa at manaig ang pagmamahal ng Diyos upang mapagtibay ang pananampalataya.

Sa isang hiwalay na pahayag ay tiniyak din ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang pakikiisa sa ‘Day of Reparation.’

Halos lahat ng aktibidad na gagawin ng Archdiocese of Lingayen ay gaganapin din sa Legazpi at Baguio liban na lamang sa penitential pilgrimage at prusisyon.

Isasagawa ang reparatory acts tulad ng Misa, Exposition of the Blessed Sacrament at pagpapatunog ng kampana.

Gayunman, sa Albay ay babasahin ang pastoral letter ni Lingayen Archbishop Socrates Villegas na isinaling-wika sa Bicolano at sinimulan nang basahin kahapon, araw ng Linggo sa 47 simbahan sa probinsya.

Ililipat din ang pagpapatunog ng kampana mula alas-6 ng gabi sa ika-9 ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.