June 18 idineklarang ‘Day of Reparation’ bilang paggunita sa pagkamatay ng mga pari

Ngayong araw na gugunitain ang ‘Day of Reparation’ na idineklara ni Lingayen- Dagupan Archbishop Socrates Villegas bilang paghingi ng tawad sa Diyos sa walang tigil na patayan sa bansa kabilang na ang pamamaslang sa mga paring Katoliko.

Ngayong Lunes, June 18 ang ika-siyam na araw simula nang paslangin si Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan.

Matatandaang sa isang pahayag noong June 12, ipinahayag ni Archbishop Villegas ang kalungkutan sa tila ay nagiging pagiging natural na lamang ng pagpatay sa kasalukuyan.

Bukod dito, ipinanawagan din ng arsobispo na sa ipanalangin ng publiko ang paggabay ng Espiritu Santo na maibalik ng mga lider ng pamahalan ang paggalang sa dignidad at buhay ng tao.

Sa araw na ito gagawin sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan ang mga sumusunod:

Hinikayat din ang ibang diyosesis at religious congregations na makiisa sa araw na ito.

Read more...