June 18 idineklarang ‘Day of Reparation’ bilang paggunita sa pagkamatay ng mga pari

By Rhommel Balasbas June 18, 2018 - 02:44 AM

Ngayong araw na gugunitain ang ‘Day of Reparation’ na idineklara ni Lingayen- Dagupan Archbishop Socrates Villegas bilang paghingi ng tawad sa Diyos sa walang tigil na patayan sa bansa kabilang na ang pamamaslang sa mga paring Katoliko.

Ngayong Lunes, June 18 ang ika-siyam na araw simula nang paslangin si Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan.

Matatandaang sa isang pahayag noong June 12, ipinahayag ni Archbishop Villegas ang kalungkutan sa tila ay nagiging pagiging natural na lamang ng pagpatay sa kasalukuyan.

Bukod dito, ipinanawagan din ng arsobispo na sa ipanalangin ng publiko ang paggabay ng Espiritu Santo na maibalik ng mga lider ng pamahalan ang paggalang sa dignidad at buhay ng tao.

Sa araw na ito gagawin sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan ang mga sumusunod:

  • Iaalay ang lahat ng mga misa bilang paghingi ng tawad dahil sa kalapastangan ng tao sa Diyos
  • Exposition ng Santissimo Sacramento sa loob ng isang araw
  • Pagkumpisal ng mga pari at pagdinig din sa kumpisal ng mga mananampalataya
  • Pagpapatunog sa mga kampana ng 15 minuto sa ganap na alas-6 ng gabi bilang pag-alala sa kamatayan ni Fr. Nilo
  • Prusisyon ng imahe ng Santo Entierro o ng Itim na Nazareno gabi ng Lunes bilang panapos ng ‘Day of Reparation’
  • Pagsasagawa ng penitential pilgrimage ng mga seminarians ng Mary Help of Christians Seminaries mula San Jacinto Parish Church hanggang sa Manaoag Basilica

Hinikayat din ang ibang diyosesis at religious congregations na makiisa sa araw na ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.