Dating pulis nasawi sa buy bust operation sa Laguna

By Justinne Punsalang June 18, 2018 - 12:39 AM

Nasawi ang isang dating pulis matapos manlaban sa mga otoridad sa Barangay Tunhac, Famy, Laguna.

Kinilala ang suspek na si Arnel Aguilan alyas Parak na isang dating pulis at kabilang sa drugs watchlist ng Famy Municipal Police Station.

Batay sa report ng mga otoridad, nagsagawa sila ng drug buy bust operation laban kay Aguilan at kanyang isang kasamahan.

Nakabili na ang mga pulis ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek nang matunugan ng mga ito na pulis pala ang katransaksyon.

Agad na naglabas ng baril si Aguilan at pinaputukan ang mga pulis, sabay karipas ng takbo kasama ang isa pang drug suspek.

Dahilan ito upang gumanti ng putok ang mga otoridad na silang nakatama kay Aguilan, habang nakatakas naman ang kanyang kasama.

Isinugod pa sa Pakil General Cailles District Hospital si Aguilan ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.