Apela ni Sister Patricia Fox dedesisyunan ng DOJ ngayong araw

Nakatakdang magdesisyon ngayong araw ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa apela ni Sister Patricia Fox na maibalik ang kanyang missionary visa.

Ngayong araw ang itinakdang deadline ng Bureau of Immigration (BI) para sa Australyanong misyonaryo para umalis ng bansa, matapos sumali sa mga political activities.

Noong nakaraang buwan ay hiniling ng madre sa DOJ na baligtarin ang naturang pag-uutos. Depensa ni Sister Fox, nalabag ang kanyang karapatan sa due process.

Sa counter-affidavit na isinumite ni Sister Fox ay sinabi nito na bagaman aminado siyang sumali sa mga rally ng mga magsasaka ay hindi naman ito laban sa pamahalaan kundi isang hakbang upang humingi ng proteksyon para sa mga mahihirap at kapus-palad.

Read more...