Hinihinalang Maute members nakipagbakbakan sa AFP

By Rhommel Balasbas June 18, 2018 - 01:13 AM

(DEVELOPING) Sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng militar at hinihinalang mga miyembro ng Maute Terror Group sa Tubaran, Lanao del Sur Linggo ng umaga.

Sa impormasyong ipinadala ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner sa Inquirer, nagsimula ang bomb run sa Sitio Giarong bandang alas-11:45 ng umaga.

Ang mga sundalong nagsagawa ng ground operations ay napaulat na nakipagbakbakan sa mga armadong lalaki.

Walang casualty ang naitala sa nasabing sagupaan ng hanay ng gobyerno at mga terorista.

Ayon kay Brawner, nasa 500 pamilya na ang lumikas at kasalukuyang naglalagi sa Tubaran Elementary School habang nagsasagawa ng operasyon ang militar laban sa pinagsususpetsahang Maute members sa bahagi ng Sitio Giarong.

Tiniyak naman ng opisyal na binabantayan ng mga sundalo ang mga nagsilikas.

Ayon kay Brawner, malaki ang tyansang natamaan sa air strikes at artillery operations ang mga Maute terrorists.

Nagpapatuloy ang operasyon ng militar sa mga oras na ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.