CBCP tutol na armasan ang mga pari

By Chona Yu June 17, 2018 - 08:01 PM

Tutol ang pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na armasan ang mga pari.

Ayon kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, men of peace at hindi karahasan ang isinusulong ng mga pari.

Sinabi pa ni Archbishop Valles na hindi ang pag-aarmas ang solusyon sa sunod-sunod na kaso ng pagpatay sa mga pari.

Bahagi na aniya ng Simbahang Katolika at ng mga pari na maharap sa panganib.

Sinabi pa ni Archbishop Valles na nakahanda ang mga pari na harapin ang kamatayan at patuloy na tatalima sa mabuting turo ng mga salita ng Diyos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.