Mga residente ng Maasin City naospital dahil sa kontaminadong tubig

By Chona Yu June 17, 2018 - 02:30 PM

Isinugod sa pagamutan ang ilang residente sa Maasin City matapos makainom ng kontaminadong tubig.

Nabatid na lasang gas ang tubig na dumaloy sa mga gripo.

Ayon kay Mayor Nacional Mercado, mayroong nakapasok sa main source ng Maasin City Water District.

Nagsasagawa na aniya ng imbestigasyon ang kanilang hanay para matukoy kung sino ang nasa likod sa insidente.

Sa ngayon, nagsagawa na ng decontamination at flushing procedure ang pamunuan ng water district para malinis ang supply ng tubig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.