Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi aangkinin ng gobyerno oil reserves sa liguasan marsh sa Mindanao.
Ayon sa pangulo, mananatiling pag-aari ito ng mga moro.
Sa mensahe ng pangulo sa selebrasyon ng Eid’l Fitr, sinabi nito na hindi dapat mag-alala ang mga moro na aagawin ng pamahalaan ang makukuhang likas na yaman sa Liguasan Marsh.
Tinatayang nasa trilyong cubic meters ng krudo ang maaaring makuha sa Liguasan Marsh.
Una rito, sinabi ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari na mayaman sa natural gas ang Liguasan Marsh.
MOST READ
LATEST STORIES