SAP Bong Go hinamon si Sen. Trillanes ng saksakan ng ballpen

Go vs Trillanes

Hinamon ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go si Senador Antonio Trillanes IV ng one-on-one na saksakan ng ballpen.

Ayon kay Go, tugon niya ito sa hamon ni Trillanes na pumirma sa isang bank waiver para malaman kung mayroon siyang tagong yaman.

Ayon kay Go, totoo ang nabanggit noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa siyang bilyonaryo at hindi na kailangan na pakialaman ang P15.7 bilyong na frigate deal sa Philippine Navy.

Ngunit ayon kay Go, magiging bilyonaryo lamang siya kapag naibenta na ang ari-arian ng kanyang pamilya.

Sinabi ni Go na wala siyang balak na magnakaw sa pera ng bayan.

Hamon ni Go kay Trillanes, kagatin ang kanyang alok na one-on-one para matapos na ang palitan ng maanghang na salita.

Read more...