DOTr Sec. Tugade nanindigan sa PUV modernization plan
Nanindigan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na dapat ituloy ang planong modernisasyon sa mga public utility vehicles (PUVs).
Sa isang pahayag ay sinabi ni Tugade na hindi siya magpapadala sa mga banta ng transport strikes para ipatigil ang naturang programa.
Aniya, kahit anong gawing rally at pagsunog sa kanyang effigy ng mga transport drivers at operators ay mananatili siyang pabor sa modernization program.
Ayon pa sa kalihim, kaisa siya ng mga driver at operator sa pagkakaroon ng oportunidad sa trabaho, ngunit hindi naman siya pabor sa mga ginagawa ng mga ito na makaabala sa publiko.
Dagdag ni Tugade, mayroong karapatan ang publiko sa mura, kumbinyente, at maayos na mass public transport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.