Hinuli ang nasa 60 katao sa ikinasang Oplan Galugad ng Manila Police District (MPD) sa lungsod, Sabado ng gabi.
Lumabag ang mga dinampot dahil sa paglabag sa ordinansa ng lungsod laban sa mga tambay.
23 sa mga naaresto ay menor-de-edad habang tatlo naman ang nahuling nag-iinuman sa kalsada.
Ipinaliwanag naman pulisya sa mga dinampot na indibidwal ang layunin ng operasyon.
Isa-isa namang sinuri ang record ng mga ito bago pinauwi maliban sa tatlong lalaking nag-iinom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.