51 barangay sa Pampanga at Pangasinan, lubog sa baha

By Angellic Jordan June 17, 2018 - 08:19 AM

file photo

Aabot sa dalawang metro ang lalim ng nararanasang pagbabaha sa 51 lugar sa Pampanga at Pangasinan bunsod ng patuloy na nararanasang pag-ulan sa high tide.

Sa Pampanga, ayon sa provincial risk reduction and management office, 27 barangay sa bayan ng Macabebe, Masantol at Guagua ang nananatiling lubog sa baha.

Sa Macabebe, lagpas sa isang metro ang taas ng tubig sa Barangay Castuli, isang metro sa Barangay San Francisco at Consuelo habang mas mababa naman sa isang metro ang baha sa iba pang barangay.

Nasira naman ng baha ang 35 bahay sa Porac kung kaya’t pansamantalang inilikas ang 32 pamilya sa lugar.

Samantala, sa Pangasinan, aabot sa 14 barangay ang lubog sa apat na metrong baha sa Dagupan.

Batay sa impormasyon mula sa Dagupan city disaster risk reduction and management office, kabilang sa mga barangay na apektado ng pagbaha ang mga sumusunod:
– 1
– 4
– Bacayao Norte
– Bonuan Binloc
– Bonuan Gueset
– Calmay
– Caranglaan
– Lasip Chico
– Malued
– Mayombo
– Pantal
– Poblacion Oeste
– Pogo Chico
– Tebeng

Ayon kay city disaster risk reduction and management officer Ronald de Guzman, ito ay bunsod ng high tide sa Lingayen Gulf dahilan para tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog at sapa sa lugar.

TAGS: baha, Dagupan city disaster risk reduction and management office, Pampanga, pangasinan, ulan, baha, Dagupan city disaster risk reduction and management office, Pampanga, pangasinan, ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.